Wednesday, December 17, 2008

Philippine Style Parental Wisdom

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.
  • Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE: "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo! kalilinis ko lang ng bahay."
  • Natuto ako ng RELIGION kay Itay: "Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
  • Kay Inay ako natuto ng LOGIC: "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
  • At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC: "Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."
  • Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY: "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
  • Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM: "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo,tingnan mo!!!"
  • Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA: "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"
  • At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER: "Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
  • Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CYCLE OF LIFE: "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
  • Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION: " Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"
  • Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS: "Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"
  • Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY: "Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"
  • Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION: "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"
  • At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING: "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
  • Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR: "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita! "
  • At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE: "Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"
Forwarded by someone.

No comments:

Post a Comment

google-site-verification: googlea4d68ed16ed2eea6.html